Pope Francis, hindi makakapagsawa ng New Year’s Eve masses dahil sa pananakit ng binti

Hindi muna pangungunahan sa kauna-unahang pagkakataon ni Pope Francis ang New Year’s Eve at New Year’s Day services dahil sa pananakit ng kanyang kanang binti.

Ayon sa Vatican, si Cardinal Giovanni Battista Re muna ang mangunguna sa year-end vespers service, habang si Cardinal Pietro Parolin, ang Vatican Secretary of State naman ang hahawak muna sa Friday Mass.

Ang Santo Papa naman aniya ang mangunguna sa kanyang noon prayer, gaya ng nakasaad sa schedule.


Nabatid na mayroong sciatica ang Santo Papa na nagdudulot ng pananakit mula sa ibabang bahagi ng kaniyang likod hanggang sa ibabang parte ng katawan.

Facebook Comments