Pope Francis, humingi ng kapatawaran sa ethic group ng Romania

Sa ngalan ng simbahang Katolika, hiningi ni Pope Francis ang kapatawaran ng ethnic group na Roma sa naranasang pag-aapi at diskriminasyon noong 19th Century sa Europa.

Ginawa ito ng Santo Papa sa pagtatapos ng kanyang tatlong araw na apostolic visit sa Romania.

Sinabi ni Pope Franics na isang historical event ang pagharap sa Roma community kung saan umaasa siya na ang kanyang mensahe ay magdudulot ng pagbabago sa sambayanan.


Noong 19th Century, libu-libo ang namatay mula sa Roma Ethnic Minority nang mapadpad sa Europa sa panahon ng holocaust.

Facebook Comments