Pope Francis, idinaan sa dasal ang pangamba ng publiko kaugnay sa nakahahawang sakit

Idinaan nalang sa dasal ni Pope Francis ang pangamba ng publiko dahil sa banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Inihiling ni Pope Francis sa kaniyang Throne to the World sa St. Peter Square sa Vatican City na sana ay “pagpalain ng Panginoon ang mundo” kaugnay sa kinakaharap na virus sa ibat-ibang panig ng bansa.

Inihiling din ng Santo Papa na gabayan at pawiin ang takot na nararamdaman ng mga tao sa ngayon.


Samantala, nangunguna naman sa may pinaka-maraming tinamaan ng sakit na COVID-19 ang bansang Amerika.

Base sa datos ng Amerika, umabot na sa mahigit 96,000 ang bilang ng mga tinamaan ng naturang sakit.

Tinalo na nito ang China kung saan nanggaling ang nakahahawang sakit na may 3,000 katao na ang nasawi habang 9,000 katao naman ang namatay sa bansang Italy na itinuturing na episentro ng COVID-19 pandemic.

Bukod pa dito, kinumpirma naman ng United Kingdom Prime Minister Boris Johnson na nag-positibo siya sa COVID-19 matapos makaramdam ng mild symptoms kabilang na ang lagnat at ubo.

Sa ngayon ay naka-isolate si Johnson habang ginagawa ang kaniyang tungkulin bilang Prime Minister ng Britanya para tulungan ang bansa na mag-isip ng paraan para labanan ang Coronavirus.

Facebook Comments