Pope Francis, iimbitahan muling bumisita sa bansa para sa 500th PH Jubillee sa 2021

Plano ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na imbitahan si Pope Francis para sa gaganaping 500th Anniversary ng Philippine Jubillee sa bansa sa taong 2021.

Ayon kay CBCP Secretary General, Fr. Marvin Mejia – nakatakdang pag-usapan ito ng mga prelado sa kanilang plenary assembly ngayong weekend.

Sinabi naman ni CBCP Commission on Mission, Sorsogon Bishop Arturo Bastes – ito ang kauna-unahang pagkakataon na iimbitahan ang isang Santo Papa para sa pagbisita.


Matatandaang bumisita na si Pope Francis sa Pilipinas nitong 2015 bilang bahagi ng kanyang Asian pilgrimage.

Facebook Comments