Muling iginiit ni Pope Francis na hindi katanggap-tanggap ang abortion.
Ayon sa Santo Papa, ang abortion ay pagkuha ng bayarang mamamatay-tao.
“Is it lawful to eliminate a human lift to resolve a problem? It is lawful to hire a paid killer to resolve a problem,” tanong ni Pope Francis sa isang conference sa Vatican tungkol sa paggamit ng abortion kapag nalamang may malubhang karamdaman ang sanggol na nasa sinapupunan.
“No human being can ever be incompatible with life. Every child is a gift that changes the history of a family and this child needs to be welcomed, loved and cared for,” sabi pa niya.
Para sa mga kaso ng batang may malubhang sakit, hindi dapat balewalain ng magulang ang pagpapagamot. Sa halip, mas nagbibigay pa ito ng oras upang mapaghandaan ang sasapitin ng anak.
“That child will remain in their lives forever,” aniya.