Hinikayat ni Pope Francis ang mundo na pairalin ang kapayapaan habang itinawag nito ang karahasan sa mga kababaihan bilang pag-iinsulto sa Diyos.
Mensahe ito ng Santo Papa sa kanyang New Year’s Mass sa Saint Peter’s Square.
Ayon kay Pope Francis, dapat laging isipin ng lahat ang kapayapaan dahil kailangan natin ito.
Pinaalala rin nito na ang kapayapaan ay kailangan ng konkretong aksyon tulad ng pagbibigyang-pansin sa mga pinakanangangailangan, pagpapatawad at pagpapalaganap ng hustisya.
Kailangan din ng positibong pananaw sa buhay na hindi lang dapat ito mamutawi sa simbahan bagkus ay ipakalat sa komunidad.
Facebook Comments