Pope Francis, ipinapanalanging patnubayan ng Diyos si Biden

Ipinapanalangin ni Pope Francis na gayaban ng Panginoon si US President Joe Biden sa kanyang mga hakbang para magkaisa muli ang Estados Unidos at mga bansa sa mundo.

Sa kanyang mensahe, umaasa ang Santo Papa na makakapagtrabaho si Biden sa isang lipunang minarkahan ng tunay na hustisya, kalayaan, at paggalang sa karapatan at dignidad ng bawat tao lalo na sa mga mahihirap, mahihina at walang boses.

Nanawagan din si Pope Francis sa bawat American Citizen na magkaroon ng lakas mula sa political, ethical at religious values na siyang nagtatag sa kanilang bansa.


Hiniling niya sa Diyos, na siyang pinagkukunan ng karunungan at katotohanan na patnubayan si Biden para muling magkaroon ng pagkakaisa at kapayapaan sa US at sa iba pang bansa.

Facebook Comments