Kinumpirma ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na hindi na makakadalo sa Climate Conference sa Dubai si Pope Francis dahil sa iniindang karamdaman.
Ayon sa CBCP, kamakailan lamang ay na-diagnose si Pope Francis na may problema sa baga at matinding flu inflammatory.
Dahil dito, agad na kinansela ang kanyang mga schedule para palakasin ang kanyang katawan upang makadalo sana sa Climate Conference sa Dubai sa susunod na linggo.
Ngunit dahil sa mahina ng pangangatawan bunsod ng flu inflammatory ay tuluyan ng kinansela ng Vatican ang kanyang patungo sa Middle East.
Humihiling naman ng panalangin ang Simbahan para sa agarang paggaling ng Santo Papa.
Facebook Comments