Pope Francis, nag-alay ng panalangin para sa mga biktima ng bagyo sa Pilipinas at nanawagan sa mga bansa na huwag ipagdamot ang bakuna

Sa kanyang mensahe ngayong Kapaskuhan, nanawagan si Pope Francis na tulungan ang mga nasalanta ng kalamidad at krisis sa Pilipinas at iba pang mga bansa.

Sa tradisyunal na “Urbi et Orbi” o “to the city and the world,” ipinapanalangin ng Santo Papa na protektahan ang lahat ng biktima ng kalamidad sa Timog-Silangang Asya lalo na ang Pilipinas at Vietnam na dinaanan ng malalakas na bagyo.

Ipinanawagan din ni Pope Francis na magkaisa ang lahat ng bansa para tulungan ang mga bansang nalugmok sa kaguluhan at humanitarian crisis.


Binigyang-diin din niya na international issue ang kalusugan at isinusulong ng mga kumpanya at international organizations na isulong ang kooperasyon at hindi kompetisyon lalo na ang magkaroon ng patas na access ang lahat ng bansa sa COVID-19 vaccine.

Hinikayat ni Pope Francis ang mga bansa na bigyan ng bakuna ang mga bansang nangangailangan nito.

Pinuna rin ng Santo Papa ang mga taong ayaw sundin ang mga simpleng health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments