Nagpadala si Pope Francis ng mainit na pagbati sa Pilipinas.
Ayon sa bagong Apostolic Nuncio to the Philippines Charles John Brown, mayroong matibay na relasyon ang Holy See at ang Pilipinas.
Buhay pa rin sa puso at isipan aniya ng Santo Papa ang kanyang pagbisita sa Pilipinas noong 2015 kung saan ipinapanawagan niya ang proteksyon sa bawat pamilya, pagsulong ng social justice, pagmamahal sa mga mahihirap at pagpapahinto ng korapsyon at hindi pagkakapantay-pantay ng lipunan.
Umaasa si Brown na mas lalo pang mapalalim ang relasyon ng Holy See at ng Pilipinas.
Nanawagan din siya sa lahat na magdasal na para matapos na ang pandemya.
Aniya, nakaapekto ang pandemya sa paraan ng pamumuhay at komunikasyon ng mga tao.
Ipinapanalangin din ng Santo Papa na palaging pagpalain ang Pilipinas, ang mamamayan at ang gobyerno nito.