Pope Francis, nagtalaga ng bagong arsobispo sa Caceres

Archbishop-elect Rex Andrew Alarcon of Caceres

Itinalaga ni Pope Francis si Bishop Rex Andrew Alarcon bilang bagong arsobispo ng Diocese ng Caceres.

Bago naitalagang arsobispo ng Caceres, nagsilbing obispo ng Daet si Alarcon.

Papalitan ni Alarcon si Archbishop Rolando Tria Tirona na nagretiro sa edad na 77.


Sakop din ni Alarcon ang Naga City na sentro ng Bicol Region.

Nagsisilbi rin si Alarcon bilang chairman ng Episcopal Commission on Youth ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Naordinahan bilang pari si Alarcon noong Novermber 1996 at naging obispo ng Daet noong 2019.

Facebook Comments