Itinalaga ni Pope Francis si Reverent Monsignor Arnaldo Sanchez Catalan bilang bagong apostolic nuncio o vatican envoy sa bansang Rwanda.
Si Catalan ang kauna-unahang pilipinong pari mula sa Archdiocese ng Manila na magsisilbing diplomatic representative ng gobyerno ng katolikong simbahan sa naturang bansa.
Bago nito, naninilbihan ang 55-taong gulang na pari bilang taga-pangasiwa ng foreign affairs sa tanggapan ng apostolic nuncio sa China simula pa noong 2019.
Nanilbihan din si Catalan sa diplomatic service ng Holy See sa loob ng 20 taon.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa santo papa sa pagkakatalaga ni Catalan.
Facebook Comments