Nais bumisita ni Pope Francis sa bansang North Korea.
Pahayag ito ng Santo Papa sa isang panayam kahapon kung saan hindi niya papalagpasin ang tiyansang makabisita rito at talakyin ang usaping pangkayapaan.
Mababatid na unang lumutang ang pagbisita ng pope noong 2018 matapos magkaroon ng diplomacy talks sa pagitan nina dating Seoul President Moon Jae-in at North Korean leader Kim Jong Un.
Dito ay binanggit ni Moon na bukas si Kim sa pagbisita ng Santo Papa at tumugon naman si Pope Francis na handa siyang pumunta kapag nakatanggap siya ng opisyal na imbitasyon.
Sa ngayon, naging malamig na muli ang ugnayan ng North at South Korea matapos ang pagkakaupo ng bagong president nitong si Yoon Suk-yeol nitong taon kung saan hindi sumang-ayon si Kim sa alok ni Yoon ng tulong kapalit ng denuclearization ng North Korea.