Pope Francis, nanawagan ng dasal para sa nakatakdang sex abuse summit

Nanawagan ng panalangin si Pope Francis para sa magaganap na sex abuse summit sa Vatican ngayong linggo.

Nabatid na ipinatawag ng Santo Papa ang mga Presidente ng mga kapulungan ng mga obispo sa bawa’t bansa para talakayin ang ilang dekada nang isyu ng pang-aabuso ng ilang mga pari at obispo.

Sa kanyang mensahe sa Sunday angelus kahapon, sinabi ni Pope Francis na isang pagsubok na dapat harapin ng simbahang katolika ang sex abuse scandal.


Ang ‘summit on the protection of minors’ ay magaganap mula araw ng Huwebes, Feb.21 at tatagal hanggang Linggo, Feb. 24.

Ang pulong ay tatalakay sa ilang tema tulad ng pananagagutan at katapatan ng mga obispo.

Facebook Comments