Pope Francis, pinalo ang kamay ng debotong humatak sa kaniya

From Catholic News Agency

Humingi ng paumanhin si Pope Francis makaraang hampasin ang kamay ng isang babaeng deboto sa Vatican City bunsod ng paghila sa kaniya.

Naganap ang insidente habang binabati at kinakamayan ng Santo Papa ang mga bata sa labas ng St. Peter’s Square, Martes ng gabi.

Nakatalikod siya nang biglang hatakin ng babae, dahilan para magulat at magalit siya.


Bakas din sa mukha ni Pope Francis na nasaktan siya kaya hindi nakapagpigil paluin ang kamay ng turista.

Pumagitna na rin ang ilang security personnel upang hindi na lumala pa ang komasyon.

Hati ang reaksyon ng netizens sa ginawa ng Santo Papa matapos kumalat sa social media ang video ng naturang pangyayari.

Ayon sa lider ng Simbahang Katolika, kagaya din siya ng ibang tao na nawawalan ng pasensiya.

Gayunpaman, aminado siyang mali ang nagawa at nag-sorry sa ipinakitang asal sa harapan ng libu-libong deboto.

“We lose patience many times. It happens to me too. I apologize for the bad example give yesterday,” mensahe ni Pope Francis sa misang idinaos nitong Miyerkules ng umaga.

Facebook Comments