Pope Francis, pinuna ang kakulangan ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa kanyang New Year’s mass

Nasilip ni Pope Francis ang kakulangan ng pagkakaisa sa mga mamamayan sa buong mundo.

Sa kanyang unang homily para sa New Year’s mass sa St. Peter’s Basilica, sinabi ng Santo Papa na bagamat “completely connected” ang publiko sa bawat isa dahil sa makabagong teknolohiya, tila “increasingly disjointed” pa rin hanggang sa ngayon ang bawat isa.

Kasabay nito, hinimok ni Pope Francis ang mga Katoliko na pahintulutan ang sarili na maging katulad ng isang anak na inaakay ng isang ina.


Sa pamamagitan aniya nito ay makikita natin ang reflection ng Diyos gayundin ang kalangitan.

Facebook Comments