Pope’s Day mass sa Pilipinas, pangungunahan ng Papal Nuncio sa Manila Cathedral

Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang kauna-unahang Pope’s Day Mass sa Pilipinas sa darating na Martes, Hunyo 29.

Gaganapin ang misa dakong alas-6 ng hapon sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral sa Intramuros, Manila.

Gugunitain ang selebrasyon ng Holy Mass sa presensya ni Archbishop His Eminence Cardinal Jose Advincula.


Ipinagdiriwang ng simbahan ang Araw ng Santo Papa upang parangalan ito sa mga naiambag sa Kataas-taasang Pontiff sa pananampalatayang Katoliko.

Facebook Comments