Manila, Philippines – Target ni Pangulong Rodrigo Duterte na bago matapos ang kanyang Administrasyon ay makabilang na ang Pilipinas sa mga bansang mataas ang antas sa Global Innovation Index.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte kanina sa pagbubukas ng Boao Forum for Asia sa Hainan, China ay sinabi ng Pangulo na para makamit ito ay kailangang magkaroon ng sapat na kakayahan at kasanayan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng Innovation Council sa ilalim ng Department of Science and Technology o DOST.
Sinabi din ni Pangulong Duterte na kailangang palakasin pa ang competitiveness at productivity ng Micro, Small and Medium Enterprises sa bansa.
Sa pamamagitan aniya ng mas malaking access ng Pilipinas sa teknolohiya at financing at ipatutupad ang science, technologyRMN and innovation sa larangan ng agrikultura at iba pang serbisyo at industriya.
Sinabi din naman ni Pangulong Duterte na popondohan ng Pamahalaan ang mgapapaganda ng research and development at palakasin pa ang international cooperation sa larangan ng science and technology at handa aniya ang Pilipinas na matuto mula sa ibang bansa.