Manila, Philippines – Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyante ng patas na ‘playing field’ kung tatalima lamang ang mga ito sa mga batas ng bansa.
Sa talumpati ng Punong Ehekutibo kasabay ng pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng Toyota Motor Philippines sa Taguig City kagabi, tiniyak ni Duterte sa entrepreneurs na poprotektahan niya ang mga ito lalo na ang kanilang pinamuhunan.
Bago niya simulan ang kanyang speech, muling sinabi ng Pangulo na hindi talaga niya hilig magbasa ng mga talumpati.
Isa na ito sa pinakamaikling talumpati na ginawa ng Pangulo na nagtagal lamang ng halos anim na minuto.
Bago ito, nakatanggap ang Office of the President ng 30 Filipino-made vehicles mula sa Toyota bilang donasyon kabilang ang 10 Innova at 20 Vios.