Nasa 324,000 lang o 0.3% ang itinaas ng populasyon ng bansa nitong taong 2021.
Ayon sa Commission on Population and Development, pinakamababa na ito mula noong 1947.
Paliwanag ni POPCOM Usec. For the Population and Development Dr. Juan Perez III, malaking parte ng pagbaba ng populasyon ng bansa ang health at economic crisis na dala ng pandemya.
Mataas rin ang bilang ng nagpa-family planning ngayon habang bumaba naman ang bilang ng mga nagpapakasal na ngayon ay nasa 240,775.
Facebook Comments