Inaasahang aabot sa 8 bilyon ang populasyon ng mundo sa pagsapit ng Nobyembre 15 ngayong taon.
Batay sa pagtataya ng United Nations (UN), posibleng lumago ang global population hanggang 8.5 bilyon sa 2030 habang 9.7 bilyon naman sa 2050, at halos 10.4 bilyon sa 2080.
Samantala, ayon sa World Population Prospects 2022, posibleng malampasan na ng India ang record ng China na World’s Most Populous Country o bansang may pinakamataas na populasyon sa 2023.
Inaasahan ding magmumula sa walong bansa ang mahigit kalahating pagtaas ng global population sa 2050.
Kabilang dito ang Democratic Republic of the Congo, Egypt, Ethiopia, India, Nigeria, Pakistan, United Republic of Tanzania, at Pilipinas, habang sa sub-Saharan Africa naman magmumula ang mahigit kalahati ng karagdagang populasyon.