Umabot na sa mahigit 109 milyon ang populasyon ng Pilipinas hanggang Mayo 2020.
Kasunod ito ng inilabas na Proclamation No. 1179 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa proklamasyon, 109,035,343 na ang populasyon ng bansa hanggang nitong May 1, 2020, mula sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) census.
Tumaas ito ng 8.05 milyon mula sa census na isinagawa noong 2015 kung saan 100,981,437 ang populasyon ng bansa.
Ang mga rehiyong may pinakamataas na populasyon ay ang CALABARZON, National Capital Region (NCR), at Central Luzon.
Facebook Comments