Populasyon ng Pilipinas, posibleng pumalo sa 110 milyon sa susunod na taon – POPCOM

Posibleng pumalo sa 110.8 milyon ang populasyon ng Pilipinas sa susunod na taon.

Ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM), mahigit isang milyon ang inaasahang pagtaas mula sa 109.4 million na populasyon ng bansa sa pagsisimula ng 2020.

Sa kabila nito, nakikita pa rin ng POPCOM ang pagbagal ng population growth rate sa 1.31 percent mula sa 1.68% noong 2016.


Dadami naman ng isang milyon ang working-age group o mga Pilipinong mula 15 hanggang 64 years old, na aabot na sa 71.2 million o 64.15% ng populasyon.

Habang aakyat ng mahigit 10 milyon ang senior citizen na kauna-unahan sa bansa.

Facebook Comments