
Posibleng umabot sa 123.96 milyong katao ang magiging populasyon ng bansa pagsapit ng 2035 ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA na may karagdagang humigit-kumulang 14.76 milyong tao mula sa naitalang populasyon noong 2020 na 109.20 milyon.
Kung saan ipinalalagay sa projection na ang average na taunang paglago ng populasyon ay 0.85% mula noong 2020 hanggang 2035.
Pagsapit ng 2035, tinatayang aabot sa 62.64 milyon ang bilang ng kalalakihan o 50.5% ng kabuuang populasyon, habang ang kababaihan naman ay inaasahang aabot sa 61.32 milyon o 49.5%.
Ang CALABARZON ang inaasahan ng PSA na mananatiling pinakamataong rehiyon sa 2035, na may tinatayang populasyon na 19.07 milyon.
Susundan ito ng National Capital Region (NCR) at Central Luzon, na may inaasahang populasyon na nasa 14.49 milyon at 14.02 milyon.
Habang ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang inaasahang may pinakamaliit na populasyon sa 2035, na may tinatayang 2.13 milyong katao.









