Manila, Philippines – Inaasahang papalo sa 109 million ang bilang ng populasyon sa Pilipinas sa 2019.
Ayon sa Commission on Population (POPCOM) – kahit bumababa ang bilang ng mga ipinapanganak, patuloy namang tumataas ang bilang ng mga senior citizen.
Ito ay base na rin sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Noong 2017, nasa mahigit 1,700,618 ang naitalang ipinanganak na mas mababa ng 1.8 percent sa bilang ng mga isinilang noong 2016.
Inaasahan naman ng POPCOM na tataas ng 8.2 percent ang bilang ng mga senior citizen sa susunod na taon mula sa 7.5 percent noong 2015.
Facebook Comments