Populasyon ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2023, aabot sa 115 million ayon sa Commission on Population and Development

Posibleng abutin ng 115 million ang populasyon ng bansa sa pagtatapos ng taong kasalukuyan, batay sa 1.6% annual growth rate ng populasyon ng bansa.

Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Commission on Population and Development Director Lolito Tacardon na base sa pinakahuling census ng gobyerno noong 2020, nasa 109 million na ang populasyon ng bansa.

Habang, kung ang population size aniya ang pag-uusapan, ang Pilipinas ay nasa ika-13 sa itinuturing na most populous country sa buong mundo.


Sa Asia- Pacific Region naman, pang-pito ang Pilipinas.

Nagpasalamat naman ang opisyal sa pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine Population and Development Plan of Action 2023 – 2028.

Ito ay tutugon sa mga hamong kinahaharap ng Pilipinas sa usapin ng populasyon at para ma-maximize rin ang demographic opportunities ng bansa.

Facebook Comments