Tiwala ang Department of Health (DOH) na makakamit ng Metro Manila ang population protection bago matapos ang taon.
Kasunod ito ng pahayag ng Malakanyang na makakamit ang population protection sa Nobyembre.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ay kung ibabase sa bilis at sukatan sa kung papaano ginagawa ang vaccination sa National Capital Region (NCR).
Pero kailangan pa rin aniyang maintindihan ng lahat ano ang mga components para masabi natin na mayroon population protection.
Bukod aniya sa pagkakaroon ng porsyento sa mga nabakunahamg indibidwal, kailangan masiguro rin na ang mga senior citizens at mga may comorbidities ay naaabot din ang tinatarget na mabakunahan sa kanila para talagang masasabi na naprotektahan na ang populasyon.
Gayumpaman, ang lahat ng ito ay nakadepende pa rin sa availability ng COVID-19 vaccines.