Population protection sa NCR Plus, Metro Cebu at Metro Davao, posibleng maabot sa Nobyembre

Malabo pang mabakunahan ang target na 70% ng populasyon ng Pilipinas ngayon 2021.

Pero ayon kay OCTA Research Team Fellow Prof. Ranjit Rye, malaki ang tiyansang maabot ang population protection sa NCR Plus, Metro Cebu at Metro Davao pagsapit ng Setyembre o Nobyembre ngayong taon.

Ito ay dahil na rin sa inaasahang pagdating sa bansa ng mas maraming bulto ng COVID-19 vaccines.


Pero dahil hindi sabay-sabay ang dating ng mga bakuna, mas mainam ayon kay Rye na ibuhos muna ito sa mga lugar na may mataas na kaso o hawaan ng virus.

Pero paglilinaw ni Rye, kahit hindi pa mabakunahan ang mga residente sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19 ay makikinabang din sila sa pagbabakuna sa mga hotspot areas dahil mapipigilan na ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments