Population protection, target maabot ng Parañaque sa katapusan ng Agosto o Setyembre

Target ngayon ng Parañaque City government na maabot ang population protection sa lungsod sa katapusan ng buwan ng Agosto o gitna ng buwan ng September ngayong taon.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, sa 446,000 na target mabakunahan sa Parañaque, 75% o 340,000 na ang nabakunahan kontra COVID-19.

Paliwanag ng alkalde, 210,000 dito o katumbas ng 47% ng target population ay fully vaccinated na matapos maturukan ng 2nd dose ng bakuna.


Dagdag pa ni Olivarez na sa bigayan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ayuda, sa 604,000 na indibidwal o katumbas ng 150,000 na pamilyang benepisyaryo, 50% na ang nabibigyan ng tulong pinansyal at target itong makumpleto bago matapos ang 15-araw deadline o sa August 25 ngayong taon.

Facebook Comments