PORK BARREL | Malacañang, ilang mga dating opisyal ng Kamara, nagkaroon umano ng sabwatan

Manila, Philippines – Naniniwala si House Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza na nagkaroon ng sabwatan ang ilang opisyal ng Malakanyang, ang Department of Budget and Management (DBM) at mga dating opisyal ng Kamara kaya nakalusot ang P75 bilyong pisong pork barrel fund sa 2019 budget.

Giit ni Atienza, mas malala pa ito sa Disbursement Acceleration Program (DAP) noong Aquino administration na pinamudmod sa mga mambabatas kasabay ng pagpapatalsik sa dating Chief Justice Renato Corona.

Malinaw umano na nagkaroon ng connivance o sabwatan sa pagitan ng DBM, Malacañang at Kamara.


Paliwanag ni Atienza, base sa proseso nagmula sa DBM ang panukalang pambansang pondo at idadaan ito sa Malacañang para aprubahan ng Pangulo at saka pagtitibayin ng Kamara at ang kasama dito ay ang speaker.

Nilinaw naman ng kongresista na tiyak na walang alam ang Pangulo sa nasabing isyu kundi tiyak na napapalusutan lamang ang Presidente.

Dapat aniyang alamin kung sino ang tao o nasa likod nag pag-scrutinize ng budget sa Palasyo.

Facebook Comments