“Pork barrel” sa national budget, pinatatanggal ng isang militanteng grupo kasunod ng paglobo ng utang ng Pilipinas sa halos P13 trilyon

Nanawagan ang militanteng grupo na Bagyong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa gobyerno na tanggalin ang mga “pork barrel” fund sa national budget.

Pahayag ito ng grupo kasunod ng paglobo ng utang ng Pilipinas sa ₱12.89 trillion batay sa inilabas na datos ng Bureau of Treasury (BTr).

Ayon kay BAYAN Secretary General Renato Reyes Jr., dapat nang tanggalin ang mga malalaking disrectionary spending o pondo na hindi naman kailangan, mga intelligence fund at iba pang kahalintulad na unaudited items sa pambasang pondo.


Kinalampag din nito ang confidential fund ng Office of the President at Vice President na para kay Reyes ay hindi naman kailangan.

Dagdag pa nito, hindi makatarungan ang hindi produktibo at walang saysay na paggasta ng pondo kasunod ng nagpapatuloy na korapsyon at ang balak na pagpataw ng bagong buwis sa publiko.

Facebook Comments