PORK BARREL SCAM LIST | Senator Lacson, may itinatagong listahan ng mga sangkot sa PDAF scam

Manila, Philippines – May iniingatan si Senator Panfilo Ping Lacson na
listahan ng lahat ng sangkot sa Pork Barrel Scam na ang kopya ay isinumite
nya noon sa Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni dating Senator
TG Guingona.

Ayon kay Lacson, ang dokumento ay ibinigay sa kanya noong 2014 ng asawa at
mga anak ni Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles.

Naniniwala si Lacson na kaya sa kanya ipinagkatiwala ang listahan at iba
pang dokumento ukol sa pork barrel scam ay dahil hindi siya kailanman
tumanggap ng Priority Development Assistance Fund o PDAF.


Diin ni Lacson, base sa hawak niyang listahan ay lumalabas na pinili lang
talaga ang mga sinampahan ng kaso kaugnay sa PDAF scam.

Sa tantya ni lacson, halos 100 ang mga kongesista at 18 mga senador ang
kasama sa listahang hawak niya.

Sa dami aniya ay pwede ng mag-impeach at mag-convict ang mga ito ng Pangulo.

Facebook Comments