Manila Philippines – Itinuturing ng pugante ngayon ng Sandiganbayan si dating Budget Undersecretary Mario Relampagos matapos na hindi na bumalik sa Pilipinas.
Si Relampagos ay nahaharap sa 313 na mga kaso na may kinalaman sa Pork Barrel Scam.
Pinayagan ng Sandiganbayan si Relampagos na bumiyahe sa Amerika mula December 2 hanggang January 1 pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito umuuwi sa Pilipinas dahilan kaya idineklara na itong pugante ng korte.
Dahil dito, iniutos na ng Sandiganbayan 7th division ang pagpapaaresto kay Relampagos.
Iniutos na din ng Korte sa Department of Foreign Affairs na kanselahin ang pasaporte ni Relampagos at umpisahan ang proseso ng extradition nito.
Kinansela na din ng Anti-Graft Court ang piyansa at travel bond ni Relampagos.