PORK BARREL SCAM | SOJ Aguirre, nakikitang hindi most guilty si Janet Lim Napoles

Manila, Philippines – Naniniwala si Justice Secretary Vitallano Aguirre na
hindi si Janet Lim Napoles ang most guilty sa issue ng Pork Barrel Scam.

Sa briefing ni Aguirre sa Malacanang kanina ay sinabi nito na nakita nila
na mayroong mali sa kasong isinampa laban kay Napoles sa Sandiganbayan
dahil ang kasong Plunder ay para lamang sa mga opisyal at empleyado ng
Gobyerno.

Paliwanag ni Aguirre, kung plunder ang kaso ni Napoles at ito ay isang
private citizen, ang ibig sabihin aniya nito ay co-conspirator lamang si
Napoles at mayroong mas guilty na opisyal ng Pamahalaan.


Naniniwala naman si Aguirre na kung sakaling gamitin si Napoles bilang
state witness sa pork barrel scam laban sa mga personalidad na kanyang
ididiin ay hindi maaapektuhan ang kasong plunder na kanyang kinakaharap sa
Sandiganbayan.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments