Pormal nang nagpatupad ng ban ang Department of Agriculture sa pagpasok sa bansa ng mga Pork Product mula sa Laos.
Ito ay makaraang mapabilang na rin ang Laos sa mga bansang apektado ng African Swine Fever.
Partikular na nagkaroon ng outbreak nito sa Toumlan, Saravane.
Kaugnay nito, hinimok ng ahensya ang mga Pilipino na huwag nang tangkain pang magpasok sa bansa ng mga karne ng baboy, mga de lata at iba pang processed pork products para hindi ito makaapekto sa local pork industry.
Ilan sa mga bansa na bawal ding pag-angkatan ng mga processed pork products ay ang China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova at Belgium.
Facebook Comments