Pork products na apektado ng ASF, hindi dapat kinokonsumo – DOH

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasang kainin ang pork products mula sa mga bansang apektado ng African swine fever (ASF).

Ayon kay DOH Assistant Secretary Charade Grande – mayroong abiso sa Food and Drug Administration (FDA) hinggil dito.

Aniya, ang pagkain ng pork products na expose sa ASF virus ay maaaring mapanganib sa kalusugan ng mga kakain nito.


Matatandaang ipinag-utos ng FDA ang temporary ban sa lahat ng imported pork meat products mula sa mga bansang China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova at Belgium.

 

Facebook Comments