Dumating na sa Metro Manila ang mga karne ng baboy at iba pang pork products mula sa Mindanao.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes, may 20 hanggang 30 container vans ng pork products ang nasa storage facilities at handa nang ipagbili sa merkado sa Kamaynilaan.
Una nang nakatanggap ng commitment ang DA mula sa mga hog raisers sa Davao, General Santos at Cagayan de Oro na handa silang magsuplay ng 1,700 metric tons ng karneng baboy at iba pang pork products para sa Metro Manila at Visayas.
Ginawa ito ng DA para mapatatag ang supply at presyo ng baboy sa Luzon lalo pa’t pinangangambahan na magkaroon ng shortage sa pagtatapos ng taon.
Facebook Comments