PORMAL NA BUMABA | DOT Sec. Puyat, tinanggap na ang resignation letter ni Cesar Montano

Manila, Philippines – Pormal nang bumaba sa pwesto si Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board ng Department of Tourism.

Ito ay matapos na tanggapin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang resignation letter ng dating aktor.

Matatandang pinaiimbestigahan na ni puyat ang umano ay anomalya sa likod ng p80-million funding sa proyekto ng TPB na buhay carinderia.


Ayon kay Montano, si dating Tourism Secretary Wanda Teo ang siyang nagbigay sa kanya ng proponent ng buhay carinderia campaign.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing proyekto.

Facebook Comments