Wala pang nakikitang dahilan ang Department of Justice (DOJ) para ilagay sa Immigration Lookout Bulletin Order si Pastor Apollo Quibuloy.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano, wala pa silang natatanggap na pormal na kahilingan mula sa Senado para ilagay si Quiboloy sa Lookout Bulletin.
Tanging sa media lamang daw nila nalaman ang mga sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na dapat itong isailalim sa monitoring dahil sa mga pang-aabuso nito sa kanyang mga miyembro.
Gayunpaman, tiniyak ni Clavano na kung may dumating sa DOJ na request para ilagay ang religious leader sa Immigration Lookout Bulletin Order ay agad naman nila itong pag-aaralan.
Facebook Comments