Pormal na komunikasyon ng China ukol sa umano’y pag-blacklist sa Pilipinas, makabubuting hintayin

Para kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda, makabubuting hintayin ang pormal na komunikasyon ng China kaugnay sa report na kasama ang Pilipinas sa blacklisted tourist destination ng naturang bansa.

Tugon ito ni Salceda nang hingan ng reaksyon sa pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian ay binabalaan na nila ang kanilang mga mamamayan na huwag pumunta sa Pilipinas.

Dahil umano ito sa nagpapatuloy na operasyon sa bansa ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO na sinasabing ugat ng iba’t ibang krimen o iligal na aktibidad.


Mungkahi ni Salceda, hintayin ang ipaparating na official o formal communication ng Chinese Ambassador kay Pangulong Bongbong Marcos o sa kanyang counterpart sa ating bansa.

Paliwanag ni Salceda, bilang isang malayang bansa ay hindi tama na agad umaksyon at maglatag ng polisya ang Kongreso batay sa abiso ng Embahada na hindi naman official o pormal na ipinarating sa ating gobyerno.

Facebook Comments