PORMAL NA NANUMPA | Mass oath taking sa mahigit 700 pulis na nakipaglaban sa Maute ISIS Group at binigyan ng special promotion, isinagawa sa Camp Crame

Manila, Philippines – Mahigit 700 mga pulis ang pormal na nanumpa ngayong umaga sa harap ng national headquarters ng Philippine National Police (PNP).

Ang mahigit 700 pulis na ito ay binigyan ng meritorious promotion matapos ang matapang na pakikipaglaban sa Maute ISIS Group sa Marawi City simula noong May 23, 2017 hanggang October 17, 2017.

Pinangunahan mismo nina PNP Chief Ronald Dela Rosa, Philippine Army Chief Lt. Gen. Joselito Bautista at National Police Commission Vice Chairman Rogelio Casurao ang mass oath taking ng mahigit 700 mga pulis.


Maliban sa mga pulis na nakipaglaban sa Maute ISIS group binigyan rin ng special promotion si Police Senior Inspector Dante Alasco at pitong iba dahil sa matagumpay na pagdepensa sa Binuangan Municipal Police Station, Misamis Police Provincial Office at Police Regional Office 10 laban sa NPA noong December 3, 2017.

Kaugnay nito ikinasama naman ng loob ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang pagkaka-promote ni PNP SAF Chief Director Benjamin Lusad dahil sa maayos at magaling nitong pamumuno sa PNP SAF.

At ilan pang commander SAF contingent sa Marawi na sina Supt. Rex Malimban, Supt. Lambert Suerte, Supt. Ledon Monte, at Supt. Mario Mayamis.

Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang daw kasi ang may karapatan iaangat ang ranggo ng mga ito.

Facebook Comments