Pormal na maglalabas ng anunsyo si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa muling pagbuhay ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ayaw niyang pangunahan ang Pangulo pero nakatakdang mag-anunsyo ito anumang araw.
Iniulat ni Bello kay Pangulong Duterte ang naging magatumpay na meeting nito sa mga lider ng National Democratic Front (NDF).
Sinabi ng kalihim na posibleng matuloy ang peace talks sa ikalawa o ikatlong linggo ng Enero, depende sa magiging desisyon ng Pangulo.
Bago ito, sinabi ni Bello na handa sina CPP Leader Jose Maria Sison at Pangulong Duterte na magkaroon ng “one-on-one” meeting subalit kailangan munang pagkasunduan ang ilang “goodwill measures” kabilang ang pagpapalaya sa mga nakakulong na Communist Consultants na miyembro ng negotiating panel.
Naghayag din ng kahandaan ang CPP na magdeklara ng Unilateral Ceasefire ngayong pasko.