Pormal na paglulunsad ng DITO Telecommunity, itinakda na sa Marso ngayong taon

Itinakda na sa ika-8 ng Marso ang pagsisimula ng commercial operation ng DITO Telecommunity Corporation sa bansa matapos pumasa sa unang technical audit.

Ayon kay DITO Chief Administrative Officer Adel Tamano, isasagawa ang unang yugto sa Mindanao at Visayas.

Dahil dito, inaasahang pagdating ng Marso 8 ay mayroon nang 17 siyudad at munisipalidad sa Mindanao at Visayas ang mayroong DITO telco services.


Matatandaang nitong Lunes nang i-ulat ng National Telecommunications Commission (NTC) na tumalima sa pangako ang naturang kompanya sa pagpili ng bagong telecommunication company.

Ito ay mula sa 37.03 porsyentong national population coverage na pangako ng DITO na may 27 megabits per second (Mbps).

Facebook Comments