PORMAL NA | Philippine Rise, idineklara ni Pangulong Duterte bilang isang marine protected area

46

Manila, Philippines – Pormal na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang marine protected area ang Philippine Rise.

Kasabay ito ng unang anibersaryo ng pagpapalit ng pangalan ng Philippine Rise mula sa Benham Rise.

Sabi ng Pangulo, panahon na para malaman ng buong mundo ang karapatan ng mga Pilipino sa sarili nitong teritoryo.

Pinahintulutan na rin ang mga Pilipinong scientist na manaliksik sa underwater plateau.

Hindi natuloy ang pag-jet ski ng Pangulo dahil sa sobrang init at makasasama ito sa kanyang kalusugan.

Dahil dito, ang anak na lang ng Pangulo na si Sebastian “Baste” Duterte at si Special Assistant to the President Bong Go na lang ang nag-jetski sa karagatan malapit sa Casiguran Bay.

Facebook Comments