
Nirerespeto ng House prosecution team ang pasya ni Senate President Francis Escudero na huwag aksyunan ang kanilang inihaing mosyon na pasagutin na si Vice President Sara Duterte sa inihaing articles of impeachment ng Kamara.
Ayon kay House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan, na siya ring lead prosecutor, hihintayin nila ang pormal na sagot ni Escudero sa kanilang inihaing mosyon.
Sabi ni Libanan, pag-aaralan nila ang legal na katwrian ni Escudero para mailatag nila ang susunod na hakbang tulad ng paghahain ng motion for reconsideration o pagdadala ng usapin sa Korte Suprema para sa Constitutional clarification.
Paliwanag ni Libanan, ang paghahain ng House prosecutor ng motion for writ of summons na nakabatay sa Konstitusyon at rules of impeachment ng Senado ay isang kinakailangang hakbang sa proseso na layuning maresolba ang pampulitikal at procedural na hadlang na nagpapabagal sa proseso ng impeachment.