PORMAL | Trusted build ng election management system, naiturn-over na sa COMELEC

Manila, Philippines – Pormal nang nai-turn over sa Commission on Elections (COMELEC) ang “trusted build” ng Election Management System (EMS).

Ang trusted build ay compilation ng mga readable text program na ni-review ng international certification entity sa Amerika.

Ayon kay COMELEC Commissioner Marlon Casquejo – lumabas sa review na walang naipasok na anumang malicious code sa trusted build kaya tiyak na walang mayayaring dayaan.


Nakalagay ito sa isang metal box at nakakandado sa loob ng isang ballot box na itatago naman sa bangko sentral ng Pilipinas.

Samantala, ngayong Linggo, umaasa ang COMELEC na makapaglalabas na sila ng pinal na listahan ng mga kandidato sa 2019 midterm elections.

Sa ngayon kasi may mga ilang isyu at petisyon pang hindi nareresolba ng COMELEC kabilang na ang tungkol sa certification of nomination and acceptance ng ilang mga kandidato.

At kapag nailabas na ang pinal na listahan ng mga kandidato, target ng COMELEC na masimulan na rin ang pag-iimprinta ng mga balota bago matapos ang taon o sa unang linggo ng Enero.

Facebook Comments