PORSYENTO NG ILANG BARANGAY MULA SA PINAGBENTAHAN NG BAUANG DIESEL POWER PLANT, MULING INUNGKAT

Iginiit ng isang mambabatas sa La Union ang nararapat na solusyon sa matagal nang usapin sa hindi pa naibibigay na revenue share o porsyento ng ilang barangay at lokal na pamahalaan mula sa pinagbentahan ng Bauang Diesel Power Plant.

Muli itong inungkat makalipas ang ilang buwan na una itong tinalakay sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan dahil kinakailangan na umano itong maresolba sa lalong madaling panahon.

Dahil dito, hangad ng mambabatas na magsagawa ng Tripartite Meeting sa pagitan ng Provincial Government, Sanggunian at lokal na pamahalaan ng Bauang upang maibigay ang nararapat na porsyento ng mga benepisyaryo.

Matatandaan na tinawag na ‘false statement’ at ‘misguided information’ ng dating administrasyon sa Bauang ang naging pahayag ng dating gobernadora na naibigay na ang pinag-uusapang halaga gayong wala pa umanong natatanggap ang mga barangay.

Umaasa naman ang mga tukoy na benepisyaryo ang kalinawan sa naturang usapin dahil sumasalamin ito sa pagiging tapat at walang kinikilingan sa serbisyo publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments