Lumabas sa survey ng OCTA Research Team na 17% lamang ng mga Pilipino ang sumang-ayon sa paraan ng pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 ngayong Setyembre.
Ayon kay OCTA fellow Ranjit Rye, mas mababa ito sa 30% na naitala nila noong Hulyo.
Nasa 33% ng mga Pilipino naman ang medyo inaprubahan ang COVID-19 response ng gobyerno na mababa sa unang 50% na naitala.
Samantala, sa kahalintulad ding survey ng OCTA lumabas na 61% ng mga Pilipino ang gusto nang mabakunahan kontra COVID-19 at 22% ang tumanggi.
Mayorya ng mga ito ay nanggaling sa National Capital Region at sa Mindanao.
Facebook Comments