Pinangangambahang makaka-apekto sa presyo ng produkto ang pagbagal ng pag-diskarga ng mga kargamento, mula sa mga barko dahil sa port congestion o labis na pagdami ng mga dumadating na cargo sa mga pantalan.
Ayon kay Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) President Mary Zapata, maaaring tumaas ang presyo ng logistics o pagpoproseso ng mga produkto na pwedeng makaapekto sa presyo ng mga ito, lalo na ngayong nalalapit na Kapaskuhan.
Aniya, halos 27% ng presyo ng mga produktong dumarating sa mga konsyumer ay dumadaan sa clearance, dokumento, at iba pang bayad sa pagpoproseso ng produkto.
Ang Pilipinas din ang may pinaka-mataas na logistics cost sa Asya.
Sa ngayon ay dalawang beses na lamang ang pagbiyahe ng truck na nagdadala ng produkto sa mga destinasyon nito, dahil tumatagal ng ilang araw bago i-diskarga ang mga container na naglalaman ng mga produkto.