Dadaong sa Pier 15 South Harbor sa lungsod ng Maynila ang isa sa Barkong pandigma ng Japan.
Ayon kay Captain Lued Lincuna, ang tagapagsalita ng Philippine Navy 7:30 ng umaga bukas ay darating Japanese ship na Asagiri Class Destroyer Setogiri (DD-156).
Ang barkong ito ay ginagamit ng Japan Maritime Self Defense Forces na mayroong sakay na isang helicopter.
May 220 mga officers at crew ang Japanese Ship na Asagiri Class Destroyer na pinamumunuan ni Captain Susumi Moriyama, Commander of Escort Division Seven at Commander Tokeshi Tonegawa, Commanding Officer ng Japanese Ship Setogiri.
Naghahanda naman ang Philippine Navy nang isang welcome ceremony para sa pagdating ng barko na dalawang araw lamang mananatili sa bansa bahagi ng kanilang port visit.